BPSU March

Hits: 829
BPSU MARCH

 

Lyrics by: Bishop Socrates Villegas
Music by: Maestro Ryan Cayabyab


Dukhang pinagmulan ay di mahalaga
Lahi tayo ng bayani at liping maharlika
Dambana ng kagitingan at pagkakaisa
Bataan, Bataan magiting na peninsula.

Bataan Peninsula State University
Tahanan ng pantas at batang bayani
Punlaan ng dunong at gawang mabuti
Tagumpay at pangarap
Dito hinahabi!

Matayog ang pangarap nitong pamantasan
Maghandog sa bansa at sangkatauhan
Kabataang matalino’t kapakipakinabang
Kabataan bayani, maka-Diyos, makabayan!

Bataan Peninsula State University
Tahanan ng pantas at batang bayani
Punlaan ng dunong at gawang mabuti
Tagumpay at pangarap
Dito hinahabi!



BPSU March